“Hey Kikay.” Matipid niyang bati.“Heyyaaa, cousin.” At agad na bumungad ang signature smile nito, ‘yong ngiting parang may alam, laging may tinatago, at may nakakainis na confidence na natural lang sa isang tulad ni Frances Ashley 'Kikay' Carmona.Nakakasilaw pa ang pulang lipstick nito. Nag-uumpisa pa lang ang araw pero para kay Kikay, its party time na.Sopistikada. Mapangahas.At higit sa lahat… hindi basta dumadalaw lang sa kanya si Kikay.Nalukot ang noo ni Bernard. Hindi niya kayang magsalita muna. Medyo halata pa rin ang mukha niya na galing sa pag-iyak kahit na nakaligo na siya. Masama pa rin ang loob niya at naka-emboss sa mukha niya ang hinagpis dahil sa nangyari sa kanya kanina.Pero si Kikay… is being Kikay. Hindi mo matatakasan ang instincts nito.Tumayo siya mula sa sofa, naglakad papalapit, nakatukod ang isang kamay sa bewang, parang ina-audit ang buong kaluluwa niya.“So…” Mahina pero
Terakhir Diperbarui : 2025-12-10 Baca selengkapnya