Malumanay ang jazz music ng Siren's Bar, sakto lang sa para mag-senti daw silang magkakaibigan. Nasa isang VIP corner table sina Renz, Dr. Nikolai Levintes, at Menard Figueroa. “Alam mo brad, kung pumunta na lang kaya tayo sa Euphoria, edi tapos 'yang iniisip mo.” Biglang sabi ni Menard habang nagbubuhos ng alak sa baso ni Renz. “Oo nga bro, ilang beses ka na namin iniimbita sa Euphoria, ni ha, ni ho wala kang sagot,” dagdag ni Nikolai, nakangisi pa ito. Napailing si Renz. “Busy talaga ako sa business ko. Tsaka…” huminto siya sandali, hindi na tinuloy ang sasabihin. “Tsaka?” singhal ni Menard. “Come on, man. Alam naming iniiwasan mo lang lahat ng social scene since—” “Since she left?” singit na tanong ni Nikolai. Natahimik si Renz at napahigpit ang hawak niya sa baso. “Exactly why you need this,” ani Menard. Mula sa sling bag niya, kinuha nito ang isang maliit na black envelope at inilapag sa mesa. Tinanggap iyon ni Renz. Pag bukas niya ng envelope, tumanbad sa kanya ang isa
Last Updated : 2025-09-13 Read more