Samantala, nasa Siren’s Bar si Harrison, kasama ang iilan niyang pinagkakatiwalaan. Madilim ang ilaw. Mabagal ang tugtog. Eksklusibo ang lugar at katulad ng mga taong naroon. Kasama niya sina Nikolai, isang kilalang doktor; Gideon at Menard, kapwa niya negosyante. At higit sa lahat, iisa ang koneksyon nilang apat. Lahat sila ay VIP members ng Euphoria. Tahimik na nakaupo si Harrison, hawak ang baso ng whiskey. Hindi niya ito iniinom. Pinagmamasdan lang. Parang may malalim na iniisip. “Ayon ang plano mo?” Tanong ni Menard, hindi makapaniwala. “Dukutin si Sarah at dadalhin sa Euphoria?” Hindi agad sumagot si Harrison. Umikot lang ang yelo sa baso niya. “Hindi ko pahihiram ang chopper ko sa plano mo na ’yan,” diretsong sabi ni Gideon, nakasandal sa upuan. “This isn’t business. This is reckless.” Napailing si Nikolai, saka uminom ng alak niya. Napangisi pa ito bago tinapik ang balikat ni Harrison. “Obsession na ’yan, man,” sabi niya. “Malakas na masyado ang tama mo.” Bahagy
Last Updated : 2026-04-19 Read more