Anim na taong gulang pa lamang si Lara Mae Salazar nang mamatay ang kanyang amang sundalo na si Manuel Salazar. Masyado pa siyang bata noon upang lubos na maunawaan ang pagkawala. Alam lang niya ay bigla na lang nawala ang Daddy niya. At hindi na ito babalik kailanman. Pagsapit niya ng pitong taong gulang, muling nag-asawa ang kanyang ina. Isang sundalo rin. “Lara, siya si Angelo." Malumanay na pakilala ng kanyang Mama Laura. Napatingin si Lara sa lalaking nasa harap niya. Matikas ito, matangkad, at may kakaibang lambing sa mga mata. Dahan-dahang hinawakan ni Angelo ang maliit niyang kamay. “Hello, Lara Mae,” mahinahon nitong bati. “Pwede ba akong maging bago mong daddy?” Hindi man lubos na naiintindihan ni Lara ang ibig sabihin noon, ngumiti pa rin siya. Para sa isang musmos na bata na nawalan ng ama, ganoon lang kasimple ang mundo. Kapag may nawala, may pumapalit. At sa pagkakataong iyon, si Angelo ang pumalit. “Kayo na po ang bago kong Daddy?” Inosenteng tanong ni Lara.
Terakhir Diperbarui : 2025-09-10 Baca selengkapnya