ANG HANGIN sa Euphoria ay mabigat, parang sinasala ng alon ang mga lihim ng bawat bisita. Sa veranda ng Hotel Nirvana, nakaupo si Father Ben—o si Big Ben, gaya ng pagkakakilala sa kanya rito. Wala siyang suot na maskara, tanging katahimikan na lang ang pumupuno sa pagitan ng kanyang mga hinga.Dumating si Bloody Mary—sa gabing iyon gaya ng napag-usapan nila sa Navi Tab, wala na ang maskara, wala na ang pulang lipstick. Ang mukha niya’y payapa, parang unang beses na nakakita ng umaga.“Father,” mahinang tawag niya.Tumingin si Ben, bakas sa mata ang gulat at pag-aalinlangan. “Akala ko… hindi na kita makikita.”Ngumiti si Margarita, mahina pero totoo. “Hindi na ako si Bloody Mary, Father. Margarita Barona," napalunok siya nang banggitin niya ang tunay niyang pangalan. Nakaakibat na ang apelido sa pangalan niya. Ang mga mata ay naluluha, "ako ang—stepsister ni Governor William Barona.”Nanigas ang katawan ni Ben. Parang biglang nabasag ang l
Last Updated : 2025-10-19 Read more