HABANG NAGSASAMPAY si Rose, nasaksihan niya ang pagbagsak ni Czarina. Agad niya itong tinulungan at dinala sa loob. Nagising si Czarina, humingi ng tubig, at nang maibigay, nagpasalamat agad. Sinubukan niyang tumayo para umakyat at magpahinga, ngunit nanginginig ang binti at nanginghina pa rin. Nag-alala si Rose at tinulungan siyang makaakyat sa itaas, kitang-kita pa rin ang panghihina niya.“Miss Zari, e kung pupunta na po tayo sa ospital?” Umiling si Czarina. “Hindi na, Rose. Magpapahinga lang ako.”Czarina slept the whole afternoon until night.Sa hapag-kainan, napansin ni Damion ang pagkawala niya. “Where’s Czarina?” tanong niya, may halong pag-aalala.Habang umiinom ng sopas, bahagyang nakaramdam ng guilt si Cassidy kaya mabilis siyang nagsalita, “Baka galit pa siya. Inutusan ko siyang labhan mga damit ko kanina. Kung kaya ko lang sana, ako na. Pero ayun, nagalit ata—ni hindi bumaba para tanghalian.”Naniwala si Damion, pero nang marinig na hindi kumain si Czarina buong araw, ma
Terakhir Diperbarui : 2025-12-11 Baca selengkapnya