NANG MARATING nila ang ospital, agad na dumaan sa examinations si Czarina at nang matapos ay tila lantang gulay na itong napaupo sa sofa, inaantok.Damion has been very careful with her. Nakamasid sa bawat kilos nito, para alalayan, alagaan at bantayan.“The baby is developing well so there’s nothing to worry about. Mrs. Marquez’s body is a little weak, kaya kailangan niyang mag-exercise at kumain ng masusustansyang pagkain—but not too much, otherwise she’ll be having a hard time giving birth,” sunod-sunod na payo ng doktor.Si Damion naman, halatang mas kabado pa kaysa sa mismong buntis, ay nagtanong pa ng kung anu-anong detalye at mga dapat iwasan—tila gusto niyang isaulo ang bawat salita ng doktor.Samantala, si Czarina ay nanatiling kalmado, halos antukin pa. Paminsan-minsa’y yumuyuko ang ulo niya habang inaantok.Nang mapansin iyon ni Damion, agad niya itong inakbayan at isinandal sa dibdib niya, bakas ang pag-aalala sa mga mata.“Normal lang ba ’to?” tanong niya.Ngumiti ang dokt
Read more