“RINA… I’M SORRY.”Napatitig si Czarina kay Damion na gulat na gulat. Hindi niya inaasahan na marinig ang paghingi ng tawad ni Damion—lalo na sa isang lalaking mataas ang pride.Hinablot niya ang kamay niyang hawak ng lalaki, at ang gulat na ekspresyon sa mukha ay muling napalitan ng lamig.“Hindi ko kailangan ang sorry mo,” aniya, mababa ang boses. “Bago tayo maghiwalay, gusto ko lang namang respetuhin mo ako, iyon lang. Hindi ko rin kayo guguluhin ni Cassidy mo.” Pagkasara ng pinto, nanatiling nakatayo si Damion, walang imik. May bahagyang kumurap sa mga mata niya—isang dilim at lungkot na ni siya, hindi napansin.Paglabas ni Czarina, halos mabunggo niya si Seth. Pareho silang natigilan.Unang ngumiti si Seth, bahagyang nag-aalala. “Hindi ka ba pinahirapan ni Damion?”Umiling siya, may maliit na ngiting pagod. “Sorry, nadamay ka pa.”“No, it’s fine,” sagot ni Seth, pero may bahagyang pagdidilim sa mga mata. Hindi niya inakalang gano’n ka-reactive si Damion… kaya pala hindi mapakali
最終更新日 : 2025-12-02 続きを読む