STUDY ROOM.Pagpasok ni Damion sa loob ng study room ay natigilan siya nang makita hindi lang si Alejandro, kundi maging si Czarina. His face darkened, malamig ang tingin niya rito. “What are you doing here?”“Pinatawag ako ni Papa,” sagot ni Czarina, walang pag-aalinlangan.Tila naunawaan na niya kung bakit siya pinapapunta rito ng kanyang ama. Aalis na sana siya nang maring muli ang mahinang boses ni Czarina.“Damion, hindi ko tinapon ang lugaw…” banayad na saad ni Czarina.Dahan-dahang bumaling si Damion, ang malalim niyang mga mata nakatitig kay Czarina. “I only believe what I see with my own eyes,” malamig na saad ni Damion. “Kung hindi mo talaga sinadya iyon, ipaliwanag mo kung bakit napaso si Cassy tapos ikaw hindi?”“I… I don’t know either. Wala akong kasalanan,” mahina niyang sagot, pinipisil ang labi para pigilan ang sariling magbintang.Gusto na sana niyang sabihin na maaaring sinadya ni Cassidy ang nangyari, pero ayaw niyang magmukhang naninira, kaya pinili niyang manahim
最終更新日 : 2025-11-21 続きを読む