Pagkalabas pa lang ni Monica sa kumpanya, nakita niyang tumawag si Fabian.“Namiss mo ako?” nakangiting sagot ni Monica.“Hindi ako uuwi ngayong gabi.” mabilis na sagot ni Fabian.Napatigil si Monica matapos sa paglalakad at nagulat. “Nagre-report ka ba sa’kin?”Magaan ang pakiramdam ni Monica kaya ngumiti siya, “Ah sige, hindi rin ako uuwi.”Ramdam ni Monica na parang gusto ng ibaba ni Fabian ang tawag kada minuto, kaya ipinaliwanag niya, “Uuwi na bukas si Patricia sa probinsya nila, kaya doon muna ako mag i-stay sa kanya para makapag bonding kami.”Hindi nagsalita si Fabian, kaya siya naman ang nagtanong: “Ikaw? Saan ka pupunta? Sino kasama mo?”“Angdami mo naman tanong.” sagot lang ni Fabian.“Bilang asawa mo, dapat lang na magtanong ako para alam ko kung saan kita hahanapin, hahaha.” pabiro niyang sabi.“May aasikasuhin lang, sige na papatayin ko na ang tawag” nagmamadaling paalam ni Fabian.“Sige.” sagot ni Monica.At gaya ng sinabi niya, agad ngang ibinaba ni Fabian ang tawag, h
Terakhir Diperbarui : 2025-09-19 Baca selengkapnya