SI SHAIRA ANG unang nakabawi at nagsalita, “Camilla, kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo.” Nanlalaki pa ang mga mata nito at nanginginig ang kamay na nakatakip sa bibig. “Anak ninyo ang pinag-uusapan dito, paano mo nasasabi ang bagay na ‘yan tungkol kay Kelly? Anong klase kang ina?!” Nakangising binalingan ni Camilla ang babae, alam niyang umaarte lamang ito na nabigla at nangingilabot sa kaniyang sinabi, pero syento porsyento siyang sigurado na wala naman talagang pakialam ang babaeng ito kung ano na nga ba ang kalagayan ni Kelly, kasasabi lamang niya—ito ang dahilan ng lahat ng paghihirap ng kaniyang anak; kung bakit hindi nasundo ni Philip sa eskwelahan si Kelly, kung bakit narinig ni Kelly ang masasakit na salitang iyon mula kay Philip at kung bakit inatake sa puso si Kelly. Walang puso si Shaira para kay Kelly, kaya paano siya maniniwala sa kunwaring panghihilakbot nito sa kaniyang sinabi? “Tumigil ka, Shaira,” mahinahon niyang wika habang nakatitig sa babae. “Sa ating da
Last Updated : 2025-09-28 Read more