NATIGILAN SI Camilla, bahagyang nangunot ang noo bago sumagot, “Anong sinasabi mo—” “Oh, c'mon, Camilla!” mahina ngunit gigil na agap ni Philip. “Huwag ka nang magmaang-maangan, OK? Hindi ko alam kung anong trip mo at nasundan mo kami rito ni Shaira, pero kitang-kita ko na mag-isa ka lang kanina. Tapos ngayon biglang kasama mo na si Kelly? Nag-iisip ka bang tao ka?” Bahagya siyang natawa. “Anong pinagsasasabi mo—” “Dinala mo rito sa ospital si Kelly nang makita mo kami ni Shaira. Yun ang ginawa mo, tama? Please lang, don't even try pulling my leg. Alam na alam ko na ‘yang mga pakulo mo. Gusto mong makita ni Kelly na magkasama kami ni Shaira, para ano? Para ipamukha kay Shaira na may anak tayo? At para ipakita kay Kelly na ang tatay niya ay may girlfriend? Tama ako, di ba? Ha?” mahabang litanya nito habang nandidilat ang mga mata. Tuluyan na ngang napatawa si Camilla, pero hindi siya humalakhak. Nakatakip ang isang kamay sa kaniyang bibig habang manghang nakatingin sa asawa, pagka
Last Updated : 2025-09-12 Read more