Share

CHAPTER 15 - NOT EVER

Author: Iris
last update Huling Na-update: 2025-09-23 12:26:47

ILANG ARAW NANG naninirahan muli sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Laguna si Camilla. Payapa ang kaniyang buhay roon dahil malayo sa kalupitan at pambabalewala ni Philip. Gayunman ay hindi niya ikinatutuwa ang kapayapaang iyon. Paano kasi'y nagkakaroon siya ng mahabang oras ng katahimikan na siyang nagiging dahilan sa pag-iisip niya kay Kelly. Damang-dama niya ang kahungkagan at pag-iisa ngayong solo niya ang bahay. Lalo na tuwing umaga na nakasanayan na niyang bumangon kaagad upang ihanda ang pampaligo, almusal at baon ng pinakamamahal na anak. Ngayong wala na si Kelly ay hindi niya malaman kung ano ang gagawin sa bawat paggising. Kailangan niya muling magsimula at parang wala siyang ganang gawin iyon.

Salamat na lamang at kaniyang napanaginipan ang mahal niyang anak, sa panaginip ay kaylusog ni Kelly, napakasigla at tila buhay na buhay. Hindi bumubuka ang bibig nito upang magsalita ngunit naririnig niya ang tinig nito...

‘Mama, mabuhay ka po nang matagal para sa akin,’ anang ti
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 31 - THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE

    PAGKAKITA NI Davian kay Camilla ay otomatikong nagliwanag ang mukha ng lalaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at patakbong lumapit sa kotse.“Hey!” anito. Ni hindi na nahintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni Tucker at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniyang side. Umusog na lang si Camilla para bigyan ng espasyo ang lalaki. “What are you doing here? Saan ka galing?”Nagkatinginan sila ni Tucker mula sa rearview mirror at nagngitian.“Ganito kasi...” At sinimulan na niya ang pagkukwento, sa haba ng salaysay niya ay nauwi sila sa opisina ni Davian dahil may kukunin daw ito. Hanggang doon ay tuloy-tuloy ang kwento niya na kung saan-saang panig na ng bangungot niyang relasyon kay Philip.“So, ano ang balak mo?” anito nang magsawa siya sa kara-rant.Nagkibit-balikat siya. “Ano pa? E di kunin ang nararapat sa amin ni Kelly. Maipagpagawa ko man lang ng mas maayos na musoleo ang anak ko.”Huminga nang malalim si Davian bago binuksan ang pinto na may kumakatok. Nanatiling nakatitig sa kaw

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 30 - STAY-AT-HOME MOM

    “KUNG INAAKALA MO na maisasalba mo pa ang kasal natin dahil sa pekeng papeles na iyan ay nagkakamali ka,” ani Philip kay Camilla. “At kung totoo man iyan—which I highly doubt—so what? Sa akala mo ay kaya mong patakbuhin ang kompanya on your own? Nagpapatawa ka talaga, baka akala mo ay hindi ko alam na saksakan ka ng b0b@!”Napangiti na lamang si Camilla. Talaga palang mas mababa pa sa putik ang tingin sa kaniya ni Philip. Ang akala siguro nito, porke't sa isang state university lamang siya nagtapos ng pagaaral at hindi sa isang kilalang pamantasan gaya ng St. Ithuriel University ay totoo na nga ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya. Na siya ay b*b0.Hindi nito alam na sa kabila ng pagiging swimmer sa kanilang unibersidad ay nagawa niyang pagsabayin ang athletics at academics, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Bukod sa natamo niyang latin awards ay may mga karagdagan pa siyang parangal na natanggap kaugnay sa nasabing kurso.

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 29 - MY SHARE

    “A, OK.” SIMPLENG tugon ni Camilla nang matanggap ang tawag ni Rica. Gusto siyang papuntahin ni Philip sa ospital kung saan sinugod si Shaira, inatake raw ng anxiety ang babae nang dahil sa kaniya.Natawa na lamang siya. Talagang nakapag-drive pa nga ang babaeng ’yon hanggang Manila bago inatake ng kung anumang karamdaman nito. Ang galing naman. At siya raw ang may kasalanan.‘Mema,’ aniya sa isip bago muling nagsalita sa cellphone, “Since, ’yang amo mo ang may kailangan sa akin. I demand na sunduin ako rito ng company car o ng chopper. Malayu-layong biyahe rin ang Laguna to Manila, baka mamatay na lang si Shaira ay wala pa ako riyan,” sarkastikong wika niya.Hindi kaagad nakasagot si Rica, pero mayamaya ay... “Y-yes, Ma'am. I'll arrange the chopper ride for you. Makikipag-coordinate na rin po ako sa malapit na building sa inyo para sa landing pad.”“Good. Ipasundo mo na lang ako rito sa bahay.” In-end call na niya kahit hindi pa nakasasagot si Rica. Hindi naman sa pagiging bastos, ka

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 28 - HALF THE COMPANY

    HINILA NI CAMILLA nang malakas ang buhok ni Shaira pagkatapos ay sinipa ito sa alak-alakan hanggang sa ito ay mapaluhod. Gamit ang kabilang kamay, tinulak niya ang batok ni Shaira pababa at pinisil iyon nang mariin. Halos humalik ito sa lupa.“Bitiwan mo ako! Baliw ka na! Sira-ulong taong-bundok!” sigaw pa rin nito habang pilit na kumakawala. “God! I don't know what Don Fausto saw unto you! Hindi ka deserving sa lahat ng kabutihan niya!” Halos mapaiyak na ito pero talakera pa rin.Dinukdok niya sa lupa ang ulo nito pero nang banggitin nito ang pangalan ni Don Fausto ay tila may kung anong kumalabit sa kaniyang alaala. Nawalan ng lakas ang mga braso niyang nagpapaluhod kay Shaira kaya ito nakawala. Itinaas nito ang kamay para gumanti, pero nasunggaban agad niya ang mga braso nito.“Akala mo ba, kapag nawala ako, magiging mayamang-mayamang Mrs. Limjoco ka?” mariin niyang wika matapos luminaw sa kaniyang alaala ang pamana ni Don Fausto. “Alam mo ba kung paano inayos ni Lolo ang mana nami

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 27 - F.A.F.O

    MATAPOS MARINIG ang mga kwento ni Philip ukol kay Camilla ay biglang tinubuan ng lakas ng loob si Shaira na komprontahin ang babae. Talagang nag-drive siyang mag-isa patungo ng Laguna para lang makita ito at lait-laitin.“Akala siguro niya, mas better na siya sa akin dahil lang dala niya ang apelyido ni Philip. Nakakatawang babae. Pinulot saglit sa putikan para lang ibalik at lalong maputikan.”Tawa siya nang tawa. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya kay Camilla matapos nitong sirain ang ilusyon niya na maikakasal sila ni Philip. Limang taon din nilang tinago ni Philip ang kanilang relasyon para lang hindi masira ang imahe ng lalaki sa madla at sa lolo nito. Napabuga ng hangin si Shaira nang maalala si Don Fausto Limjoco—ang lolo ni Philip. Ito kasi ang promotor ng pagpapakasal ni Philip kay Camilla. Dapat daw ay panindigan ng apo nito ang batang dinadala ni Camilla upang hindi maging kahiya-hiya ang babaeng iyon. Kapag daw hindi pumayag si Philip ay tatanggalin nito sa last will an

  • THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE    CHAPTER 26 - OBLIVION

    ISANG MALUTONG na sampal ang pinadapo ni Camilla sa pisngi ni Philip. Sa labis na pagkabigla ng lalaki ay hindi ito nakapagsalita at hindi naibaling ang mukha pabalik sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito habang dahan-dahang humaharap muli, pati ang kamay nitong ipangsasapo sa nasaktang pisngi ay nanginginig.“Y-you... Y-ou j-just slap—”“The fvck, I did,” gigil niyang agap. “At hindi lang ‘yan ang matatanggap mo oras na bastusin mo pa kaming muli ng anak ko.” Nanginginig na rin ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang anit. Isang hindi magandang salita pa ni Philip ay baka hindi na niya ito matantiya. Pero sa pagkabigla niya ay tumawa ito nang mahina.“Palaban ka na talaga ngayon, I like it.” Dinilaan pa nito ang mga labi habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. “Ano? Gusto mo bang gumawa muli ng—what the fvck?! Jesus! Ibaba mo ‘yan, Camilla!”Siya naman ang natawa nang halos magkandarapa sa pag-atras si Philip habang nakataas ang mga kamay. Tinutvka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status