Tumakbo ako papunta sa likod ng isang malaking bato malapit sa cottage, pero biglang may humila sa akin. **"Dito ka, mas magandang taguan 'to,"** bulong ni Justin habang hinihila ako sa likod ng isang puno ng niyog. **"Ano ka ba, baka mahuli tayo,"** pabulong kong sagot, pero natawa na lang ako nang makita ang pilyong ngiti niya. Maya-maya pa, may narinig kaming tili—si Laica, nahuli agad ni Aicel na nakatago lang pala sa likod ng mesa. **"Patay ka, ikaw na ang taya next round!"** sigaw ni Jai habang tumatakbo palayo. Halos tatlong round pa kaming naglaro bago napagdesisyunang tumigil. Pawis na pawis at hingal na hingal kami, pero sulit ang saya. **"Grabe, akala ko hindi ko na kayo mahahanap,"** reklamo ni Aicel habang umiinom ng tubig. **"Siyempre, expert na kami sa taguan!"** pagmamalaki ni Loury habang inaayos ang buhok. Dahil nagsisimula nang dumilim, napagdesisyunan na naming umuwi. **"Ang saya nito, dapat maulit!"** sabi ni Franz habang nag-aayos ng gam
Terakhir Diperbarui : 2025-09-26 Baca selengkapnya