Nanlaki ang mga mata ni Francesca at napaatras sa gulat. ‘’Ano ba ang pinagsasasabi niya?’ tanong nito sa isipan.Noon, parang hinala lang ni Matheo, pero ngayon, tila may hawak na itong matibay na ebidensya kaya siya kinukwestyon nang ganito.Napakagat-labi siya. Alam niyang kahit ano pang paliwanag ang sabihin niya, magiging mali pa rin sa paningin nito, lahat ay magiging dahilan lang, lahat ay parang cover-up.Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Vice President," mahinahon niyang sabi, "kung magsusuot man ako ng singsing o hindi, personal na kagustuhan ko iyon. At ang pagbati ko kanina... I meant it sincerely. Pero kung hindi mo gusto marinig, then I won’t say it again."Tiningnan niya ang oras. Ala-una na. "Two o’clock na magsisimula ang anniversary celebration ng Eunantech Group," aniya, pilit na pinapakalma ang tono. "You need to be there, right?"Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tumalikod siya at nagtungo sa maliit na cloakroom sa loob ng opisina, binuksan ang cabin
Terakhir Diperbarui : 2025-09-26 Baca selengkapnya