Elise Hart's Pov NATAPOS na rin ang pinagawa namin na jersey. Nagpaalam na kami sa kanila at bumalik na sa eskwelahan, kagaya parin kanina ang naging posisyon namin. Tahimik ang byahe dahil nakatulog si Quenie kaya tanging paghinga lang namin at tunog ng aircon ang gumagawa ng ingay sa loob ng sasakyan ni Gabriel. Mabilis lang rin kaming nakabalik sa eskwelahan, wala na masyadong tao pero pumunta parin kami sa gymnasium. Ginising ko na si Quenie, lumabas na kami sa kotse. Nakasunod parin ang dalawang lalaki sa amin. Pagdating namin sa gymnasium ay wala ng tao at mukhang tapos na ang lahat—naghahanda na rin para sa parade namin bukas ng maaga. "Okay, ito ang para sa'yo, ito sa'yo at kay Elias." Isa-isang binigay ni Quenie ang mga jersey, kinuha ko iyong kay Elias. "So paano, bukas na lang tayo ulit magkita?" "Yeah," tamad kong sagot. Gusto ko ng matulog, kahit
Last Updated : 2026-01-07 Read more