Elise Hart's PovNATUOD ako habang nakayakap sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil mainit niyang yakap ay parang nagsisimbolo sa akin na magiging maayos lang rin ang lahat. But when I recovered, I immediately pushed him away from me. My knees buckled, but I tried to steady myself. "Let's pretend it didn't happen," I whispered, almost audible, and walked away from him.Mabilis akong umakyat sa taas, ang lakas ng kabog ng puso ko parang sa sandaling iyon ay sandali kong nakalimutan kung ano nga ba ang sadya ko dito. Why did he hug me? Paano kung may nakakita sa amin? Huminto ako sa may pinakamataas na hagdan, huminga ng malalim at tumingin sa kawalan bago nagpasyang maglakad ulit upang hanapin ang mga kaibigan ko. Dapat kasi ay naghintay na lang ako sa nang sa ganoon ay hindi na nangyari ang ganoong aksidente. Pero pakiramdam ko ay nasa bisig niya parin ako, ang kanyang mainit na yakap ay—ipinilig ko ang aking ulo at inalis iyon sa aking isipan."Tigilan mo na ito, E
Last Updated : 2026-01-21 Read more