Nagising ako at ang unang hinanap ng mga mata ko ay ang anak ko. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko si Leon na nakatayo. Hindi nya man lang napansin na nagising ako dahil busy sya sa bitbit nitong sanggol. He's holding Liam, he stares at Liam like a precious gem. Nakangiti pa ito. "Pst, anak ko 'yan ibigay mo na sa'kin" biro ko, napalingon naman sya sa akin at agad na ngumiti. "Kamukha mo talaga, ang cute" saad nya sabay lapit sa akin at maingat na inilagay ang bata sa akin. Napangiti ako. I stared at my baby. He's right, kamukha ko ang bata. Nakuha nya ang mata, ilong at labi ko. Buhok lang ang hindi. Medyo kulot ang buhok nito kagaya sa ama nya pero hindi ko na pinansin 'yon. Ang mahalaga kasama ko ang anak ko. "Ang pogi naman ng anak ko" masayang saad ko. "Mana sa'kin syempre" "Echos ka" "Nga pala, nasabi ko na kay Clea na nanganak ka na" saad nya. "Anong sabi?" "Ayon, congratulations daw pero nakabusangot dahil hindi sya nakasama rito sa hospital" natawa ako sa sinabi n
Last Updated : 2025-09-30 Read more