Dave Lorian’s Point of ViewPagmulat ko ng mata, unang pumasok sa isip ko, “Yes, this is home.” Hindi dahil maganda ang bahay. Hindi dahil puno ng mamahaling gamit. Pero dahil nandito siya. Dahil sa bawat gising ko rito, amoy kape, amoy sabon, at amoy buhay.Sa condo, laging malamig. Basag na baso, papel sa sahig, at mga tawag na hindi ko nasasagot. Doon, gising ako pero parang patay. Pero dito—dito sa bahay na tinataguan namin sa lahat—kahit magulo, kahit kulang, may dahilan akong bumangon.Tahimik pa sa labas. Pumapasok ang liwanag sa kurtina, at kasabay noon, sumisingaw ang amoy ng bawang, toyo, at mantika. Umagang may amoy. Umagang may buhay.Umupo ako sa gilid ng kama, pinagmasdan ang paligid.Paglabas ko ng kwarto, rinig ko agad ang kalansing ng kawali. Ang mga tunog ng kutsarang tumatama sa plato, ang mahihinang yapak sa sahig—‘yung tunog ng bahay.May mga grocery bag pa sa gilid ng mesa—mga pinamili niya kahapon. May mug ng kape na hindi niya naubos. May dish towel na nakasamp
최신 업데이트 : 2025-10-19 더 보기