Ayah Solene’s Point of ViewMaaga akong dumating sa opisina kinabukasan, pero kahit gano’n, parang ako pa rin ang huling gustong makita ng lahat. Tahimik sa buong floor, pero hindi ‘yung tahimik na payapa, ‘yung tahimik na puno ng bulungan. Parang bawat keystroke, bawat tiklop ng papel, may kasamang tingin sa akin.Habang naglalakad ako papunta sa hallway, ramdam ko ‘yung mga mata sa likod ko. Hindi ko na kailangan ng camera footage, sapat na ang mga marites kong officemates para ma-document ang bawat galaw ko.Bahagya akong huminto, kunwari’y may kukunin a bag. At tama, may narinig na naman akong bulungan.“Haay… dinaig mo na ang artista, Ayah.” bulong ko sa isip ko habang pinakikinggan sila.“Siya ‘yung nasa picture, ‘di ba?”“Yung kay Sir Dave, sa hotel hallway…”“Grabe, tapang din, ha.”Napapikit ako sandali, huminga nang malalim.“Calm down, Ayah,” bulong ko sa sarili. “If they want noise, don’t give them music.”Kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad, hanggang sa makarating ako
Huling Na-update : 2025-10-13 Magbasa pa