"D-Darius... hindi mo naman kailangang bigyan ako ng..."Hindi natapos ni Scarlett ang sasabihin niya nang yumuko si Darius. Hinapit nito ang bewang niya at siniil siya ng halik. His lower lip was caught gently between hers, tugged just a little before she released it, inviting him closer. He responded by pressing back, lips moving in an unhurried rhythm, fitting against hers as if they already knew the shape."I wanted to give you everything, Scarlett," mahinang sambit ni Darius matapos bitawan ang labi ni Scarlett. "Alam kong hindi ka hihingi ng kahit ano, pero hayaan mo akong ibigay sa’yo ang mga bagay na kaya ko namang ibigay."Ngumiti si Scarlett at tinanggap ang susi ng sasakyan. Isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ni Darius at niyakap ito. Hinagod naman ni Darius ang buhok niya. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto."Tatapusin ko muna ang hinuhugasan ko, tapos matutulog na tayo, hmm?"Tumango si Scarlett.Pagbalik ni Darius sa lababo ay kinuha ni Scarlett ang fol
Terakhir Diperbarui : 2026-01-04 Baca selengkapnya