Naalimpungatan si Scarlett nang maramdaman na parang may kumikiliti sa leeg niya. Antok na antok pa siya, pero iminulat niya ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya si Darius. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya.Mahina siyang napahagikhik nang tamaan nito ang kikiti niya roon. “Darius, inaantok pa ako,” reklamo niya. Mahina niya itong itinulak, pero ayaw paawat sa kakahalik sa kanya.“Love, it’s past twelve. Hindi ka nag-almusal, malilipasan ka pa ng tanghalian.”Napatingin si Scarlett sa bintana. Tirik na tirik doon ang araw, tanda na tanghali na. Madaling-araw na sila nakauwi kanina mula sa engagement party. At nang nasa kama na siya, doon niya lang naramdaman ang lahat ng pagod buong araw.Nag-inat siya ng braso pati na rin ng binti. “What’s our schedule for today?” tanong niya kay Darius.Umalis si Darius sa leeg niya, pero hindi binitawan ang bewang niya. “We will visit the church.”Muntik na niyang nakalimutan iyon. Bibisita nga pala sila sa cathedral na madalas nilang punta
Last Updated : 2026-01-25 Read more