Kinagat ni Scarlett ang ibabang labi niya para pigilan ang biglang pag-alon ng emosyon sa dibdib niya. Ilang beses na nabanggit ni Darius na papakasalan siya nito, paulit-ulit, parang siguradong-sigurado na. Pero kahit ganoon, hindi niya inasahan na magpo-propose pa ito sa kanya. Lalo na sa harapan ng kanyang Lola Erenea.Dahan-dahang dumukot si Darius sa bulsa ng suot nitong pantalon. Walang bakas ng pag-aalinlangan sa kilos nito. Maya-maya ay lumuhod ito sa harapan ni Scarlett, sapat ang distansya para magtama ang mga mata nila. Binuksan nito ang pulang lalagyan ng singsing.Bumungad sa mata ni Scarlett ang isang napakalaking diamante. Kumislap iyon nang tamaan ng sikat ng araw na pumapasok sa bintana. Kahit hindi sabihin, halatang milyon ang halaga. Napalunok siya, hindi alam kung saan ilalagay ang mga kamay niya.“Scarlett, apo… sumasakit na ang tuhod ni Darius. Sagutin mo na siya. Sabihin mo na yes, I do,” pabirong sambit ng matandang si Erenea. May ngiti ito sa labi, at sa tono
Huling Na-update : 2026-01-18 Magbasa pa