Malakas na tumawa si Devine, tumingala habang hawak-hawak ang sariling buhok. Dumadagundong ang boses nito sa buong parking, humahalo sa malamig na hangin, parang tuluyan nang nawalan ng katinuan.Maya-maya ay may tumulo na naman na luha sa mga mata nito. Bigla itong huminto sa pagtawa at saka mariing tinapunan ng tingin si Scarlett. Ang mga mata nito ay puno ng galit at paninisi, para bang doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.“Ikaw... ikaw pala,” nanginginig ang boses ni Devine. “Ikaw ang babae... sa hotel. Ang kapal ng mukha mo, Scarlett. Akala mo kung sino kang santasantita, pero malandi ka. Isa kang malandi. May asawa ka, kasal ka, at nagagawa mo pang sumiping sa ibang lalaki!”Bago pa makapagsalita si Scarlett, biglang sumugod si Devine. Diretso itong tumakbo patungo kay Scarlett, nakataas ang kamay na para bang sasampalin o sasakalin, wala nang iniisip kundi ang galit.“Devine!” sigaw ni Darius.Mabilis na humarang si Darius sa harap ni Scarlett. Isang malakas na tu
Última actualización : 2025-12-30 Leer más