Maria "Hi guys!" Nakangiting bati pa nito sa amin kaya naman di ko mapigilan ang mapataas ang kilay. "Chill guys! I didn't came here to start a fight. It's just that, there is no available table here. Pero nakita ko kayo so I think pwede naman akong makishare ng table sa inyo. After all we are friends right?" Turan nito at gusto nalang mapaikot ng mga mata ko mabuti nalang napigilan ko ang sarili ko. Kelan pa kami naging friends? Assumera ang bruha. Binalingan naman ako ni denrick kaya bumuntong hininga naman ako bago tumango. Panira talaga ng mood ang bruha. Kanina ang saya saya namin eh. Agad naman itong umupo sa bakanteng upuan na katabi ng kay denrick. Bali nasa gitna namin ngayon si denrick habang nasa harap naman namin ang kambal. Kita ko pa ang pag irap ni debbie. Kung hindi ko lang siguro ito sisermunan ay kanina pa ito tatalak. Walang preno pa naman minsan ang bibig nito. "Mukhang nag kaayos na kayo." Puna nito at binalingan kami ni denrick. Huminga naman ng malalim si de
Last Updated : 2025-10-07 Read more