**Continuation** "Well by the way, kakain muna tayo." Sabi nito at iginiya na kami sa kusina. "What do you want to eat?" Tanong nito sakin kaya napaisip ako. Gustong gusto ko talagang kumain ngayon ng tinolang isda. "Tinolang isda." Sabi ko kaya naman tumango ito bago binuksan Ang ref. Mabuti nalang at nakapamili na ito kahapon. "Then I'll cook tinolang isda for you." Turan nito bago nagsimulang hiniwa ang mga kakailanganin nya. Nakangiti lang ako habang nakamasid sa kanya. Sobrang saya ko talaga lately. Napapangiti nalang ako sa simpleng mga kilos nito. At bawat araw na dumadaan ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. "He is really inlove." Rinig kong bulong ni Artemis habang nakatingin din sa kuya nya. Ngumiti nalang ako dito. "Nagugutom na ba ang mga prinsesa?" Tanong nito at binalingan kami ni Artemis. Natatawang umiling naman ako sa sinabi nito. Prinsesa. Napangiti nalang ako. Hindi na ako isang alalay lamang sa buhay nya. Hindi na tagasilbi kundi isa ng prinsesa. He is my
Last Updated : 2025-09-27 Read more