NAGISING si Euridice sa banayad na sikat ng araw na dumudungaw mula sa malaking bintana ng kwarto. Huminga siya nang malalim, at saglit na natahimik. Parang ang gaan ng umaga, kumpara sa nakaraang linggo.Napatingin siya sa gilid ng kama. Wala na si Alexander at hindi niya alam kung anong oras ito umalis, o kung saan pumunta. Ang huling naalala niya kagabi ay ang mabait na Alexander, isang Alexander na marunong ngumiti, hinawakan ang kamay niya nang may pag-iingat, at marunong ding magbitiw ng mga salitang parang gusto niyang paniwalaan kahit pilit na kumakapit sa duda ang isip niya.“Good morning, Mrs. Salvatore,” bulong niya sa sarili, sabay ngumiti nang. Kung sana ganitong pagbati ni Alexander, ang bubungad sa kanya sa umaga, pero sa panaginip lang yata mangyayari.“Hasyt! Kailan pa, isang Salvatore na walang pakiramdam lang naman ang asawa mo, Euridice. Kaya manigas ka!” puna niya sa sarili at saka umiling.Bumangon siya, inayos niya ang kama,
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-13 อ่านเพิ่มเติม