Hindi maipinta ang mukha ni Alexander habang nakaupo sa dulo ng mahabang dining table. Sa harap niya ay isang plato ng hilaw na mangga na may kasamang sandamakmak na bagoong. Sa gilid naman ay isang baso ng gatas na may hinalong kape—isang pinagsama na kahit siya ay hindi maunawaan kung bakit gustong-gusto ng sikmura niya.“Boss, sigurado ka ba dyan? Mukhang sasabog ang bituka mo sa pinagsasama mo,” puna ni Marguxx habang nakasandal sa hamba ng pinto, pinipigilan pa rin ang tawa.“Shut up, Marguxx. Isa pang salita, itatapon ko sa pagmumukha mo 'tong bagoong,” banta ni Alexander, pero bago pa man niya maituloy ang pagsungit, muli siyang napaduwal.Mabilis na lumapit si Euridice at hinagod ang likod ng asawa. “Sabi ko naman sa'yo, ako dapat ang nakakaranas niyan, hindi ikaw.”“It's fine, wife. If this is the only way to ease your discomfort, then I'll take it,” seryosong sagot ni Alexander matapos uminom ng tubig. Namumutla man, ayaw pa ring magpaki
Read more