LOGINMuling umalis si Alexander kinabukasan nang ipagtanong ni Euridice kay, Manang Felisita. At hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang balitang kumalat tungkol sa karumal-dumal na pagpatay. Para bang may isang malamig na kamay ang paulit-ulit na humahaplos sa kanyang dibdib, pilit siyang pinapaalala sa mga salitang binitawan ni Alexander.
“Some people… deserve what they get.”Nangingilabot siya tuwing maaalala iyon. Kaya pinili niyang ituon na lang sa ibang bagay ang atensyon. Nasa school siya sa sandaling ito pero nahahati ang isipan niya kung ano ang pinaggagawa ng asawa niya ngayong araw.“Nasa trabaho kaya siya? Ni minsan, hindi niya binanggit sa akin ang trabaho niya. Itanong ko kaya mamaya sa kaniya, hayst!”“Ang lalim ng iniisip mo, ah? Kasama ba ako sa iniisip mo?” pilyong singit ni Lex sa kaniya. Nakalapit na pala ito sa tabi niya nang hindi niya namamalayan.“Tsk! Alam mo para ka talagang kabute, pasulpot-sulpot ka kung saan.”KINAGABIHAN nasa tapat ng pinto ng library ni Alexander si, Euridice. Tahimik niyang pinapakinggan ang pakikipag-usap ng asawa sa lalaking kararating kanina. Isa ito sa mga tauhan ni Alexander.Kaagad niyang natutop ang bibig nang maulinigan ang sinabi ni Alexander.“Clean it up. No traces. I don’t want her to know.”Kinabahan siya, napaatras mula sa pinto.“Her? Ako ba ang tinutukoy niya? Ano ba ang hindi ko dapat malaman.” Kumuyom ang kamao niya at biglang nanikip ang kanyang puso.“Hindi kaya may iba na siyang babae, kaya ayaw niyang malaman ko o baka naman…hindi. Sure ako na may iba pa, may tiwala ako sa kaniya pero—” sa isip-isip niya at naputol lang iyon ng may humawak na sa braso niya.Si Alexander ito nang hindi niya namamalayan. Buo ang boses nito nang mag-usisa dahil, nadatnan siya nitong tulala lamang na nakatayo sa tapat ng pinto.“Anong ginagawa mo? Bakit nakatayo ka lang diyan?”Noon din natauhan
Muling umalis si Alexander kinabukasan nang ipagtanong ni Euridice kay, Manang Felisita. At hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang balitang kumalat tungkol sa karumal-dumal na pagpatay. Para bang may isang malamig na kamay ang paulit-ulit na humahaplos sa kanyang dibdib, pilit siyang pinapaalala sa mga salitang binitawan ni Alexander.“Some people… deserve what they get.”Nangingilabot siya tuwing maaalala iyon. Kaya pinili niyang ituon na lang sa ibang bagay ang atensyon. Nasa school siya sa sandaling ito pero nahahati ang isipan niya kung ano ang pinaggagawa ng asawa niya ngayong araw.“Nasa trabaho kaya siya? Ni minsan, hindi niya binanggit sa akin ang trabaho niya. Itanong ko kaya mamaya sa kaniya, hayst!”“Ang lalim ng iniisip mo, ah? Kasama ba ako sa iniisip mo?” pilyong singit ni Lex sa kaniya. Nakalapit na pala ito sa tabi niya nang hindi niya namamalayan.“Tsk! Alam mo para ka talagang kabute, pasulpot-sulpot ka kung saan.”
NAKASANDAL si Euridice sa malamig na upuan ng sasakyan, tahimik lang ang biyahe nila pauwi ni Alexander, katabi niya ito na seryosong nakatingin sa kalsada. Kalaunan ay tumunog ang cellphone ni Alexander. Kitang-kita ni Euridice kung paano tumalim ang tingin ng asawa nang makita ang nakapangalan sa screen. At ngalan lang na Don, ang nakalagay.Kinonekta kaagad ni Alexander sa earpiece ang tawag at saka sinagot.“Don.”“Alex, you need to be here. This is urgent matter. Huwag kang tatanggi, and I know, your with that girl.”Umigting ang panga ni Alexander. “We’re on our way home. Ano bang importantenh pag-uusapan natin at kailangan mo pa akong guluhin.”“Nakuha na namin si Congressman kasama ng mga tauhan niya.”Humigpit ang paghawak ni Alexander sa manibela. Kitang-kita sa mukha ang biglang galit na nadama. Napasinghap si Euridice nang biglang lumiko si Alexander bagay para higpitan niya ang seatbelt niya.“We’r
Pagdating nila sa Silvestre mansion, napanganga si Euridice dahil sa pamamangha. Habang naglalakad sila papasok, walang ibang tumingin kay Euridice kundi ang mga bisita. May mga nagbubulungan, may mga nagtataka, at may mga nakangiting parang nanunuri.“Ayan na ba ang asawa ni, Mr. Salvatore?” pabulong ng isang babae pero naririnig ni Euridice.“Maybe, hindi ko inaakala na mag-aasawa si, Mister Salvatore.”“She’s beautiful…pero mukhang outsider.”Buong-buo narinig ni Euridice ang mga bulung-bulungan ng mga ito bagay para napayuko siya. Pero hinila siya ni Alexander, at magaan na halik sa noo ang ginawad nito. Parang huminto ang oras nang titigan ni Euridice ang asawa.“Eyes here. Don’t mind them. You’re my wife, Euridice. That’s all they need to know.”Namula siya sa sinabi nito. Hindi na niya alam kung kinikilig ba siya o lalo siyang kinabahan.“Hi-hindi mo naman kailangan gawin ‘yan, at saka alam ko na asawa mo ako
NAGISING si Euridice sa banayad na sikat ng araw na dumudungaw mula sa malaking bintana ng kwarto. Huminga siya nang malalim, at saglit na natahimik. Parang ang gaan ng umaga, kumpara sa nakaraang linggo.Napatingin siya sa gilid ng kama. Wala na si Alexander at hindi niya alam kung anong oras ito umalis, o kung saan pumunta. Ang huling naalala niya kagabi ay ang mabait na Alexander, isang Alexander na marunong ngumiti, hinawakan ang kamay niya nang may pag-iingat, at marunong ding magbitiw ng mga salitang parang gusto niyang paniwalaan kahit pilit na kumakapit sa duda ang isip niya.“Good morning, Mrs. Salvatore,” bulong niya sa sarili, sabay ngumiti nang. Kung sana ganitong pagbati ni Alexander, ang bubungad sa kanya sa umaga, pero sa panaginip lang yata mangyayari.“Hasyt! Kailan pa, isang Salvatore na walang pakiramdam lang naman ang asawa mo, Euridice. Kaya manigas ka!” puna niya sa sarili at saka umiling.Bumangon siya, inayos niya ang kama,
Tahimik ang umaga sa malaking bahay ni Alexander. Sabado at walang pasok si Euridice, kaya mas mahaba ang oras niya para sa sarili. Ngunit imbes na maramdaman ang ginhawa, isang mabigat na kaba ang gumugulo sa dibdib niya.Simula nang gabing nakita niyang muli si Alexander na parang may lihim na tinatago, hindi na siya mapakali. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga kilos nito. Parang kailangan niyang bantayan si Alexander at tuklasin ang lihim nito.Kaya ngayong wala siyang pasok, naisipan niyang magtanong-tanong. Baka sakaling may ibang makapagsabi sa kanya ng katotohanan.“Kailangan kong malaman ang tinatago niya. Bakit siya gumagamit ng ganoong klaseng gamot. Asawa niya ako, may karapatan pa rin ako mag-alala.” mariin niyang saad sa sarili.Nakita niya sa kusina si Manang, ang matandang katulong na matagal nang nagsisilbi sa pamilya Salvatore. Naka-apron ito at abala sa paglalagay ng tinapay sa bandehado.“Manang,” maingat na sambit







