“It's my wedding gift to you.”Paulit-ulit na nag-re-replay sa utak ni Cassandra ang sinabi ni Renzell kanina noong tanungin niya kung bakit nito binili ang malaking ektaryang lupa na ‘yon. A wedding gift or compensation? Mas tutugma pa yata ‘yong huli kaysa sa regalo. Napatingin siya sa laptop na nakabukas, kasalukuyan siya nasa loob ng opisina ni Renzell para tapusin ang report niya kay Wesley. Matapos ang kanilang breakfast ay nagpaalam siya rito na may kailangan tapusin.Ilang araw na lang ay tuluyan na siyang babalik sa mundo minsan niyang binitawan. At wala siyang makapang kahit na ano man pagsisisi. Tama lang ‘yon. Doon naman talaga siya nararapat. Sa mundo ng medisina.Napabuntung-hininga siya saka ipinagpatuloy ang ginagawa nang may pumasok na isang e-mail. Mabilis niya iyon binuksan. It was from Wesley. ‘Cassandra, where are you? Just tell me and I will get you there, please, I'm worried sick.’ “Wesley,” mahina niyang bulong. Paano kaya kung hindi niya pinili magpakasal
Read more