“Sweetheart, how are you?” malambing na bati ni Maricar sa kanyang anak na kabababa lang. “Come here and let’s have breakfast,” magiliw niyang wika. Humalik sa pisngi ni Maricar ang anak ngunit nanatiling hindi maipinta ang mukha nito. Kaya nabahala siya saka tinapik ang asawa na abala sa binabasa nito sa cellphone. Nag-angat ng tingin si Alfred at nahagip niya ang bulto ng anak na kauupo lang. Binitiwan niya ang cellphone na hawak saka tumayo para lapitan ang anak. “Good morning, Iha. How are you? Are you feeling better? You should stay in your room and ask the maid to bring you breakfast,” malambing na tugon ni Alfred. Gustong umirap ni Joyce dahil sa biglang pagbabago ng trato sa kanya ng mga magulang. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ng mga ito sa kanya. Ngunit dahil mga magulang niya pa rin ang mga ito ay tanging pagtatampo na lang ang kaya niyang gawin. “Try this, Iha. It’s one of your favourites. Actually all of them are your favorite, so I asked our cook just
Mehr lesen