“What are you doing?” sita ni Cassandra dito. “Taking you home. You look tired,” Renzell responded. Nagsimula na siyang humakbang nang may maalala siya kaya naman nilingon niya si Manang Flor. “Magpadala kayo ng lahat ng klase ng prutas na pinitas niyo ngayon sa manor,” pagkasabi no’n ay tuluyan na siya tumalikod at naglakad palabas.“Masusunod po, Mr.Lee. Mag-iingat po kayo, Madam," tugon naman ni Manang Flor.Nang makita ni Kuya Elias na paparating ang kanilang amo at buhat-buhat nito si Mrs.Lee ay mabilis siyang kumilos at kinuha ang kabayo nito. Ang ibang mga trabahador naman ay huminto rin at may ilan na nagbalak na tumulong ngunit isang masamang tingin ang napala nila kaya mabilis silang nagsiatrasan. “Renzel, I’m fine. Put me down, for God’s sake,” mahinang singhal ni Cassandra dito saka sinamaan pa ito ng tingin. Nakakahiya kaya at baka isipin ng mga tao ay masyado siyang nag-iinarte.“Stay still, kung ayaw mong halikan kita sa harap nila,” pagbabanta ni Renzell saka niya it
Read more