“Madam, your fingerprints.” Natigilan si Cassandra saka nilingon si Kirby. “What did you say?” “Try your fingerprints, Madam. I remember Mr.Lee asked for me to get your fingerprints when this manor finished. Hindi po ako sigurado pero wala naman po masama kung susubukan natin, ‘di po ba?” Napatango na lang si Cassandra saka itinapat ang kanang hinlalaki sa ilalim ng doorknob kung saan may mga number at fingerprints reader. Lihim siyang nanalangin na sana nga ay bumukas iyon. Umawang ang kanyang labi nang marinig niya ang pag-click tanda na-open ‘yon. Agad siya napalingon kay Kirby na bakas na bakas ang relief sa mukha nito. “It works, madam,” nakangiting wika ni Kirby. Mabuti na lang at naalala niya iyon. Makakahinga na siya ng maluwang. “Leave us,” isang puno ng awtoridad na utos ni Cassandra na kahit sino ay hindi makakasuway. Sinenyasan ni Kirby ang mga naroon na umalis na. Nang tuluyan ang mga ito mawala sa paningin ng Madam ay hindi napigilan ng isa sa mga katulon
Mehr lesen