Sa hapag-kainan ay masayang kumakain ang lahat. Ito ang isa sa mga na-miss ni Cassandra. Ito ang isa sa mga binitiwan niya para sa pagmamahal niya kay Renzell.“Iha, are you alright?” tanong ni Belen nang mapansin na bigla itong tumahimik. Nag-angat naman ng tingin si Cassandra saka tiningnan ito at ngumiti, “I’m okay, mom. Kasama ko po kayo. I’m so happy.” Umirap si Ava saka nagsalita, “Hindi lang siya makapaniwala na ito ang ipinagpalit niya para sa walang kwentang lalaki na iyon,” nakangising singit niya.“Ava, don’t say that to your sister. It’s already in the past and the most important thing is she's already back to us,” pagbabawal ni Eduardo sa anak. Hanggang maaari ay ayaw niyang maramdaman ni Cassandra na mali ang naging desisyon nito sa pagpili sa tinitibok ng puso nito. Nagmahal lang naman ito at nauunawaan niya iyon. Mas lumapad ang pagkakangiti ni Cassandra sa narinig mula sa taong itinuring niya tunay na ama.“By the way, Wesley, we heard about this news, honestly, I
Read more