“Sino ang nag-utos sa inyo na gawin 'yon? Sagot o magkawatak-watak ang mga utak niyo sa sahig,” mababa ngunit mariing sabi ni Andrew sa mga lalaking nakaupo, puno ng galit at poot. Napaigtad ang apat sa sinabi nito. Nagulat ang mga ito na may ganitong ugali pala ang napakabait nilang boss. Pati na si Grayson ay nagulat din. Gustong tanungin ni Grayson ang ina kung bakit nandoon si Andrew pero inunahan na siya nito. “If it's not because of him, tiyak na makakatakas ang mga iyan,” diretsahang sabi ni Grace. Hindi nalang nagsalita pa si Grayson at tumutok nalang sa nangyayari sa laptop. “Sir, papatayin niya po kaming lahat pati na ang mga pamilya namin kung magsasalita kami,” anang matandang boses na nanginginig sa takot. Kilala ni Grayson ang boses na 'yon. Si Mang Dado 'yon. Pero bakit nakalabas ito? Nakakulong ito kanina. Siya ang nagdala nito sa presinto. Paanong napunta ito sa mga kamay ni Andrew? “Andrew brought him out b
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-22 Mehr lesen