“Oh, my! Look who's here!” matinis at maarteng sabi ni Sofia. Natigilan si Ada sa pagkakalikot ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naguguluhan siya kung haharapin ba niya ang dalawa o magpatuloy sa paglalakad at magkunyaring wala siyang narinig. Baka kasi maiyak pa siya sa harap ng mga ito. Pero kung hindi siya namamansin, baka akalain ng mga ito na ang weak niya at sobrang apektado siya. Humugot si Ada ng malalim na hininga at hinarap ang dalawa. Nakaupo si Sofia sa wheelchair at may cast ang isang paa habang tinutulak ito ni Grayson. He is looking expressionless at para bang bored na bored. “Yes? Do you have a problem with that?” Hindi niya maiwasang maglabas ng inis kahit nanginginig ang lalamunan. Anytime, maiiyak na siya. “Uhm, nothing. Nakaharang ka kasi sa daan, eh,”malambing, mabait, at mala-anghel na sagot ni Sofia, na para bang hindi pa ito nagkasala kailanman. Pero makikitang bahagyang tumaas ang isang sulok n
Huling Na-update : 2025-11-05 Magbasa pa