-Sienna-Pumasok ako sa kahoy na gate nina Tita Gina, at napansin kong may ilaw na sa loob ng bahay nila. Ibig sabihin, may gising na sa kanila. Baka si Tito Vergel. Maaga kasi siya lagi namamasada ng tricycle. Kapag ganitong oras, malaki daw ang kita dahil maraming estudyante ang pumapasok sa school ng maaga.Kakatok na sana ako sa pinto nila, nang bigla itong bumukas. Hindi nga ako nagkamali sa aking hinala dahil si Tito Vergel ang nagbukas ng pinto. Nagulat pa siya nang makita ako.“Sienna, anak? Anong ginagawa mo dito?” Agad niya akong pinapasok sa loob. “Ang ibig kong sabihin, bakit ang aga mo namang dumalaw. Hindi ka man lang nagsabi sa amin. Galing ka ba sa bahay mo? Ang aga mo naman yatang pumarito?”“Pasensya na po, Tito, kukumustahin ko lang sana si Tita Gina.” pumasok ako sa loob, pero napahinto ako nang makita ang isang malaking bulto na pinagkakasya ang katawan sa maliit nilang sofa. Hindi naman ito si Dylan dahil hindi ganito kalaki ang katawan nun. “Sino ‘to, tito?”“
Last Updated : 2025-12-20 Read more