-Kieran-After printing the information, tinawagan ko agad si Clyde.“Tito Kieran, anong balita?” pilit pinapasigla ni Clyde ang boses niya, pero ramdam ko ang lungkot na kalakip ng kanyang tinig. “Anong nalaman mo tungkol sa kanila?”Lumunok muna ako at kinalma ang sarili ko. Natatakot ako sa dalawang bagay na pwedeng mangyari. Una, baka mawalan ako ng trabaho. Pangalawa, natatakot akong harapin ang mga Cordero. They ruled our lives, at nasa panganib na ngayon ang buhay naming mag-asawa.Pero kailangan kong maging honest kay Clyde at sabihin sa kanya ang mga nalaman ko. Or else, I’d definitely be in trouble.“Mayroon akong nalaman na hindi ko alam kung gugustuhin mo ring alamin, Clyde.” sabi ko sa kanya sa kalmadong boses. “Ihanda mo ang sarili mo sa impormasyong ibibigay ko sayo.”Natawa lang siya ng malakas sa sinabi ko. “Ano ba ‘yan, tito? I’m pretty sure it’s nothing I can handle. Pagkatapos akong iputan ni Sienna sa ulo? May mas sasakit pa ba doon?”Natahimik ako sa sinabi niya.
Last Updated : 2026-01-20 Read more