-Sienna-At hindi ko alam kung bakit nandito siya ngayon. Ano, magsosorry siya na parang wala lang? Hihingi ng tawad dahil sa hindi niya pagpansin sa akin ng ilang araw na hindi man lang sinasabi ang tunay na dahilan?“Please lang. Huwag mo na akong guluhin pa, Tyler. Malinaw ang sinabi ko sayo kahapon. Kapag umalis ka, hindi mo na ako madadatnan pa sa bahay mo. Umalis na ako kaya wala ka nang dapat pang alalahanin.” huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. “Pwede ka nang umuwi sa bahay mo. Wala ka nang iiwasan, wala nang iistorbo sayo. Aalis na ako.”“Sienna, stop talking nonsense! I’m sorry. I’m really sorry.” at bigla na lang niya akong kinabig ng yakap. “I want you and our baby. I’m so sorry, Sienna.”Itinulak ko siya palayo sa akin. The way he apologized and hugged me, it should soften me. Pero hindi. Wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit, disappointment at pagkairita.“Sorry din, Tyler. Pero ayoko na. Kung hindi mo kami kayang tanggapin ng anak mo, hindi ka rin namin
Read more