Sa wakas, dumating na ulit ang doktor at iniabot sa akin ang resulta ng test. Nanginginig ang kamay ko habang tinitignan ito. Parang huminto ang mundo ko sa pagkabigla."Buntis ako," halos pabulong kong nasabi. Tumango ang doktor."Congratulations, ma'am," bati ng doktor, may bahid ng ngiti sa labi bago lumabas ng silid.Napatulala ako, gulat na gulat. I just stared at the paper as if it were written in a foreign language I couldn't understand.Buntis?Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang 'yon sa isip ko, palakas nang palakas. Napalingon sa akin si Czyrene at agad akong niyakap nang mahigpit."Sol, you're going to be a mom," she whispered, sounding surprised and happy.Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko, pero hindi ko alam kung luha ba 'yon ng saya o ng takot. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon."Paano ko sasabihin kay Cael? Parang ayaw ko pa yatang ipaalam sa kanya," mahina kong sabi.Kumalas si Czyrene sa yakap. "Kailangan mong sabihin kay Kuya," mariin niyang
Last Updated : 2025-11-03 Read more