Sa silid ni Eachen, ang tanging maririnig ay ang ugong ng aircon, panaka-naka ay pagtunog ng bote ng brandy na hawak niya, halos maubos na niya ang laman niyon, nakaupo siya sa malamig na marmol habang nakasandal sa gilid ng kama. Nakatitig siya sa kawalan, mula sa silid niya ay narinig niya ang usapan ng mga kapatid niya, nang marinig niyang binanggit ng mga ito ang pangalan ni Selina ay hindi na naman niya napigilan ang bugso ng damdamin. Yumugyog ang mga balikat niya at muli siyang tumangis, hindi niya matanggap ang pagkawala nito, and it's tearing him apart, the thought that Selina is gone, whether in dreams or reality, is unbearable. No more conversations, no more touch and he'll never share moments with her again. Ang sakit-sakit, kung maaari lang niyang dukutin ang puso niya para lang mawala ang sakit na nararamdaman niya, nagawa na niya. "Selina...please come back to me..." umiiyak na bulong niya, napalingon siya sa isang sulok ng silid niya, naroon nakatayo ang mannequin
最終更新日 : 2025-11-28 続きを読む