3RD PERSON'S POV“Dong, mag-iingat ka huh?” ani Amara habang nakahawak ang kaniyang magkabilang kamay sa pisngi ni Hunter.Nakaupo siya sa mahabang couch kung saan nakasandal ang kaniyang likod sa throw pillow na nalagay sa gilid ng armrest habang ang kaniyang mga binti ay nakaunat sa kahabaan ng sofa.Nakadukwang naman si Hunter sa kaniya na noon ay nagpapaalam na aalis na para lusubin ang pinagkukutaan nila Rex!“I will. Dito ka lang, huh, my Princess Inday. Wait for me until I come back.” masuyo niting saad sabay halik sa kaniyang labi.Napapikit naman siya at matagal na dinaman ang labi nito.“Tama na yan... Di pa ba sapat ang buong araw sa inyo? Aba'y paawat naman kayo! Hindi kami mamamatay nito sa paglusob, eh, kundi sa inggit! Ang sakit nyo na talaga sa mata alam nyo ba yon?!” awat sa kanila ni Agent Brix.Sinamaan naman siya ng tingin ni Hunter. “Pwes, mamatay kayo sa inggit!”“Ang sama nyo! Wala kayong konsensya!”“Agent Daisy, Agent Dhalia, kayo na ang bahala sa Inday ko, a
続きを読む