[Five Years Later]3RD PERSON'S POV“Wow, Mommy! Are we in the Philippines already?” bulalas ni Kian, nakahawak siya sa kanang kamay ng kaniyang ina habang nagpapalinga-linga sa paligid.Nang mga sandaling iyon ay kabababa lang nila sa eroplano.“Yes, son. Nasa Philippines na tayo, kaya kailangan tagalog ka nang mag talk, okay?” nakangiting yuko ni Amara sa kaniyang anak.“Tss! Ang init naman ng singaw dito! Parang napapaso yung balat ko!” suplado namang reklamo ni Kenji.Bumitaw ito sa kaliwang kamay niya at naiiritang hinubad ang ang coat na suot.Mahinang natawa si Amara habang pinagmamasdan si Kenji na noon ay nakasimangot ang matabang pisngi!Kumpara kay Kian, masasabi niyang ito ang nakakuha sa ugali ni Hunter na masungit at suplado.Si Kian kasi ay palangiti at malambing na bata, bagamat magkamukhang-magkamukha ang kambal o identical twins ay magkaiba naman ang kanilang pag-uugali.Four years old pa lang sila pero parang matanda na mag-isip, lalo na si Kenji. Hindi talaga sya
閱讀更多