3RD PERSON'S POV“Obvious naman na kambal din kayo. Para nga kayong pinagbiyak na pwet.” turan ni Thunder.“Pinagbiyak na pwet? Ang bastos mo naman!” nakasimangot na inilagay ni Kian ang dalawang kamay sa magkabilang bewang.“Oh, wag kang magalit! ʼYan kasi ang sabi sa ʼmin ng Tito Hunter namin — para daw kaming pinag biyak na pwet ni Thunder. Methapor daw ang tawag don na ang ibigsabihin ay magkamukha.” paliwanag naman ni Theo.Mali naman yung turo sayo ng Tito mo, eh! Pinagbiyak na bunga yon, hindi pinagbiyak na pwet. Baka sya kamo ang mukhang pwet!” sagot naman ni Kenji saka sila nagtawanang apat.“Tropa na tayong apat, huh!” ani Thunder sa dalawang bagong kaibigan.“Oo ba!” sagot naman ni Kian saka nag-appear ang apat.“Teka, nakikita nyo ba yong magandang babae na yon na nakaupo sa swing?” turo ni Thunder sa kambal.“Oo naman! Di naman kami bulag, noh!” pilosopong sagot ni Kenji.“Yan si Angelica Oxford! Anak sya ng Ninong Dark Angel ko. So basically, kinakapatid namin ni Theo.”
Leer más