3RD PERSON'S POVMalakas na pumalatak si Jacob. “Tsk! Anong imposible doon? H'wag mong sabihing ikaw ang bagong Virgin Mary, huh?”Hindi naman nagawang tumawa ni Shaina sa biro ng kaniyang kapatid. Ang panget naman kasi ng joke nito!Of course, no! Dahil hindi naman na siya virgin!Ang totoo ay nakakaramdam siya ng takot. Oo natatakot siyang malaman na buntis siya! Biglang inararo ng kaba ang kaniyang dibdib nang makita ang seryosong mukha ng kaniyang mga magulang.“Anak, maski naman kami ng Daddy mo, hindi makapaniwala sa sinabi ng doktor. Pero hindi ibig sabihin n'on ay hindi namin tanggap ang pagbubuntis mo. Wala namang problema kung mauna ang baby bago ang kasal n'yo ni Hunter. Pero, bilang magulang mo, kinakailangan na nating pagplanuhan ang kasal sa lalong madaling panahon habang maliit pa 'yang tiyan mo.” masuyong paliwanag ni Selena sa anak nang makita niya sa mukha nito ang takot sa natuklasang pagbubuntis.Mukhang hindi pa ito handang mabuntis...Para tuloy gustong murahin
Read more