[CONTINUATION OF FLASHBACK]3RD PERSON'S POV“Inaantok na din ako, eh! D'yan na kayo...” ani Emmanuel na sumunod na kay Denise.“Me too... Goodnight, guys!” ani Aaliyah na nagmamadaling humabol kay Emmanuel.“Matutulog na rin ako. D'yan na kayo.” saad naman ni Hunter na tumayo na din at nagpaalam.Tumayo na rin si Claud, Felix at Ferrio.“Kayong dalawa d'yan? Di pa ba kayo papasok sa loob?” puna ni Claud kina Vio at Shaina.Patuloy pa rin sa pag-inom si Shaina. Itinaas nito ang kamay at kumaway sa tatlo.“Mauna na kayo... Di pa 'ko inaantok, eh...” tugon niya saka muling sumimsim ng alak.“Vio, mabuti pa siguro d'yan ka na lang muna para may kasama si Ate Shai.” baling sa kaniya ni Claud.“Sige, Bro! Ako nang bahala.” tugon naman niya.Lingid sa kaalaman ng kanilang mga kaibigan, matagal nang may lihim na pagtingin si Vio kay Shaina. Kaya kahit di nito sabihin ay wala naman talaga siyang balak pumasok sa loob at iwan mag-isa ang dalaga.“Tama na 'yan, Shai.” aniya saka inigaw dito ang
Read more