Chapter 22Lumingon si Naomi kay Cormac. Nakaluhod ito sa sahig, nakasquat, ang maiikling buhok ay bahagyang nakalugay sa noo. Hindi kasing pulido ng karaniwang ayos niya, at bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng suot na polo shirt.Matalim pa rin ang dila mo, naisip ni Naomi, kahit ilang taon na ang lumipas.Hindi alam ni Neri kung ano ang ibig sabihin ng “mataas na presyon.” Hawak niya lang ang kamay ni Lola Maria, nanginginig ang labi. “Makinig po tayo kay Doc Pogi,” mahina nitong bulong sa matanda.Hinaplos ni Lola Maria ang buhok ng apo. “Oo, susunod si Lola, huwag kang mag-alala,” malambing nitong sagot.Sandaling tumigil si Cormac, tinitigan ang mag-lola. Sa isip niya, muling bumalik ang boses ng batang umiiyak sa tawag kanina.“Tulong po, ‘wag niyo pong hayaang mamatay si Lola!”Nasa bahay pa siya noon ng isang retiradong propesor sa medisina ngunit agad siyang nagmaneho. Sampung minuto lang, at narito na siya.“Salamat, iho…” wika ng matanda. “Doctor?”“Cormac Lagdameo
Terakhir Diperbarui : 2025-10-06 Baca selengkapnya