Chapter 43Narating ni Naomi ang bahay at marahang binuksan ang pinto. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng wall clock at mahinang ihip ng hangin ang naririnig. Sa silid ng anak, mahimbing nang natutulog si Neriah, nakayakap sa paborito nitong stuffed toy.Umupo si Naomi sa gilid ng kama, marahang hinaplos ang pisngi ng anak. Mainit pa rin ang singaw ng balat nito, pero kalmado na ang paghinga. Pinilit niyang huwag nang isipin ang nangyari kagabi.Enough, bulong niya sa sarili.Ngayong taon, kapag nakuha na niya ang year-end bonus, sapat na iyon para sa operasyon ni Neriah. May kaunti pa siyang naitatabi, kaya bigla siyang nakaisip na aalis sila ng Maynila. Pagkatapos ng operasyon, lilipat sila sa ibang lungsod, sa lugar na wala si Cormac. Doon, baka tuluyan nang maghilom ang sugat sa dibdib niya.Kinabukasan, matapos ang almusal, inihanda ni Naomi si Neriah para sa school. Habang inaayos ang kwelyo ng uniporme, biglang nagsalita ang anak.“Mom,” ani Neriah, nakangiti, “sabi ni Teach
Terakhir Diperbarui : 2025-10-20 Baca selengkapnya