Salubong ang mga kilay na tinitigan ni Zarayah si Carcel. Anong pinagsasabi nito? Bakit bigla na lang nagtatanong ng kung anu-ano? Ang masaklap pa doon ay pinagbibintangan siyang nangaliwa! Aba matindi rin ang amats nito. Saan nito nakuha ang mga ideyang iyon?"I didn't cheat on you, hindi kay Magnus o Kay Ethan o sa kung sino man na iniisip mo," sagot niya rito."Don't joke on me, wife. May naabutan ako dito na matanda kagabi. And she told me na anak mo raw ang bata. Now, explain that to me."Sa sinabing iyon ni Carcel ay doon lang naalala ni Zarayah ang dalawa! She completely forgot those two because of him. Shit. Nasaan na sina Manang Helen at Reagan? Hindi niya lubos matanggap na nakaligtaan niya ang mga ito, lalo na si Reagan dahil mas inuna pa niya ang sariling kaligayahan! Isa siyang pabayang ina!Nagtaka naman si Carcel nang makitang nataranta ang asawa at madaling umakyat ulit sa itaas. Sinundan niya ito habang sinusubukan na unawain kung ano man ang magiging paliwanag nito.
Last Updated : 2025-11-01 Read more