"Do you have any plans to get pregnant in the future?" his first question pagkabigay ko ng kaniyang alak.Gulat ako sa tanong niya. Hindi ako nakasagot kaagad. Bukod sa napakaguwapo ng boses niya, hindi ko rin inaasahan ang kaniyang tanong."Ano ba, Neim, ang boss iyan! Sumagot ka!" mariing bulong sa akin ni Frida, katrabaho ko na nasa loob ng kotse ng aming boss, hindi ko alam kung bakit siya nandoon. Nasa labas lang ako at nandito ako para maghatid ng alak mula sa loob ng bar.Yes, he's our boss, siya ang may-ari ng bar na ito kung saan ako nag p-part time. Bihira lang siyang magpunta rito sa kaniyang bar at kung magpunta man ay may importanteng pakay, hindi ko alam kung anong pakay niya ngayon kung bakit siya narito, nagulat na lamang ako nang ipatawag ako para magpadala ng kaniyang inumin dito sa kaniyang kotse sa labas ng bar."Alam kong siya ang boss, Frida..." sagot ko, nakay Frida lang ang tingin at wala nang planong ibalik iyon sa aming boss."I hate to repeat myself, woman."
Last Updated : 2025-10-02 Read more